Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) sa gobyerno kaugnay sa umento sa sweldo.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, sa kabila ng COVID-19 pandemic ay hindi malayong pagbigyan ng pamahalaan ang hirit na umento sa sahod ng mga guro.
Magugunitang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong marso 2021 na dahil sa pandemya ay nabigo siyang ituloy ang kanyang planong cumento sa sahod ng mga guro.
Gayunman, sinabi nito na nakapag-ipon naman siya ng pondo upang sa wakas ay maibigay ang naturang taas-sweldo.
Batid na madalas banggitin ng pangulong na napakahalaga sa kanya ng mga guro dahil sa kanyang namayapang inang si Soledad, na isa ring guro.. – sa panulat ni Mara Valle