Nasa single digit na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa halos lahat ng barangay sa Quezon City.
Maliban ito sa barangay commonwealth na nakapagtala pa ng 11 aktibong kaso hanggang Marso 20.
Sa kabuuang 142 barangay sa lungsod, 50 ang idineklarang “zero COVID-19” cases .
Base sa ulat ng City Epidemiology and disease Surveillance Unit, nasa 216 na lang ang active cases sa lungsod.
Nasa 259,023 ang bilang ng mga gumaling at 260,924 ang kumpirmadong nagpositibo sa virus.—sa panulat ni Abby Malanday