Lalong nanganganib ang global supply ng mga produktong petrolyo makaraang paulanan ng missile ng mga rebeldeng Houthi at maglunsad ng drone attack sa ilang oil facility sa Saudi Arabia.
Ayon sa Saudi Defense ministry, kabilang sa tinarget ng mga rebelde mula Yemen ang liquefied natural gas plant ng Aramco, ang pinaka-malaking oil company sa buong mundo.
Damay din sa pag-atake ang isang power plant, gas station at desalination facility.
Walang namatay o nasugatan, pero napinsala naman ang mga nasabing pasilidad at namemeligrong maapektuhan ang produksyon ng langis.
Gayunman, inihayag ng Saudi government na hindi sila dapat sisihin sa posibilidad na magambala o numipis ang global supply ng krudo.
Ang Saudi Arabia, ang nangungunang oil exporter sa mundo.