48 Local Government Units ang pinadlhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa mabagal na pamamahagi ng cash aid sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, pagpapaliwanagin ang mga lgu kung bakit hindi pa nila nakukumpleto ang distribusyon ng naturang ayuda.
Aniya, 16 na LGUs ay mula sa Eastern Visayas, 16 mula sa Western Visayas, 13 mula sa Central Visayas, at tatlo mula sa MIMAROPA.
Sinabi pa ni Año na 85.52 percent o katumbas ng mahigit 4.1B na cash aid funds, ang naipamahagi na sa mahigit 4M mga benepisyaryo.
Batay sa datos, mahigit 2.9M pamilya ang naapektuhan ng bagyong odette na tumama sa bansa noong December 2021.