Mahigit 5K Sundalong Amerikano at halos 4K Sundalong Pilipino ang lalahok sa BALIKATAN Exercises para sa taong kasalukuyan
Isasagawa ang naturang pagsasanay mula Marso 28 hanggang Abril a-8 na katatampukan ng sabayang pagsasanay para sa Maritime Security, Live-Fire training, Amphibious, Urban at Aviation Operations, Humanitarian Assistance and Disaster Relief sa iba’t ibang panig ng Luzon
Maliban dito, magsasagawa rin ang mga tropa ng dalawang bansa ng Civic Assistance Projects tulad ng pagkukumpuni sa 4 na napiling Elementary Schools at pagsasagawa ng mga Community Health Missions
Binigyang diin ni M/Gen. Charlton Sean Gaerlan, Commander ng AFP BALIKATAN 2022 Exercise na ang pagsasanay para sa taong ito ay patunay lamang napakatatag na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika…
Para naman kay Heather Variava, Ad Interim Chargé d’Affaires ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas, ang muling pagbubukas ng BALIKATAN ay magbibigay daan para sa isang malayang rehiyon sa Indo-Pasipiko.
– ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)