Nagbabala ang gobyerno ng Japan sa posibleng malawakang pagkawala ng kuryente sa Tokyo at ilang kalapit na rehiyon dahil sa malakas na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon kay Japan Minister of Economy, Trade and Industry Koichi Hagiuda, kasalukuyang sinuspindi ang operasyon ng anim na planta sa kanilang lugar dahil sa pinsala sa mga broiler, transformer at turbine.
Dahil dito, nanawagan si Hagiuda sa publiko na magtipid ng kuryente subalit dahil sa kalat-kalat na pag-ulan ng niyebe at hindi napapanahong malamig na temperatura sa kabisera ay nanatiling malakas ang demand.
Inaasahan namang magpapatuloy ang operasyon ng ilang planta sa katapusan ng Marso habang maaaring magtagal ng ilang buwan para sa pag-aayos ang iba pa. —sa panulat ni Airiam Sancho