Nagrereklamo ang ilang tsuper at operator ng jeepney hinggil sa fuel subsidy na ipinapamahagi ng gobyerno kasunod ng serye ng oil price hike sa nakalipas na mga buwan.
Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President Mody Floranda, ito ay dahil walang laman ang Pantawid Pasada Card ng mga nabanggit na indibidwal.
Isa rin aniya sa kanilang problema ang hindi pagkilala ng LTFRB sa bagong may-ari ng mga jeepney dahil ilan sa nakatanggap ng nasabing ayuda ay ang dating owner nito.
Samantala, halos kalahati na sa target na mahigit 200K tsuper at operator ang nabigyan ng fuel subsidy cards na naglalaman ng mahigit P6-K. —sa panulat ni Airiam Sancho