Sinugod ng hindi bababa sa 30 mga New People’s Army (NPA) ang detachment ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Caramoan, Camarines Sur.
Batay sa paunang impormasyong ibinigay ni Camarines Sur Provincial Dir. S/Supt. Walfredo Pornillos, tinangay ng mga armadong rebelde ang isang armalite rifle at radio equipment mula sa barracks ng Coast Guard doon.
Sinabi pa ni Pornillos na hindi na nagawang pumalag pa ng mga tauhan ng Coast Guard na nakaduty sa lugar nang mangyari ang insidente.
Bahagya pang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at rebelde habang papatakas ang mga ito.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal