Ibinabala ng PHIVOLCS na ang paggalaw kamakailan ng Leyte Island fault line ay isang paalala sa publiko na maghanda sa mas malakas na pagyanig.
Ang nabanggit na fault line ay bahagi ng Philippine Fault Zone, isang pangunahing tectonic feature sa buong kapuluan na may habang 1,200 kilometers o mula hilagang-kanluran ng Luzon hanggang timog-silangan ng Mindanao.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, inaasahan na ang magnitude 5.3 na lindol sa Burauen, Leyte noong Lunes, March 21 matapos ang naganap na lindol sa lalawigan noong 2017.
Hulyo a–6 noong 2017 nang tamaan ng magnitude 6.5 na lindol ang Ormoc City at bayan ng Kananga, Leyte kung saan apat ang nasawi at higit 100 ang nasaktan.
Noon pa anyang 2018 nagbabala na ang PHIVOLCS ng posibleng malakas na lindol sa Central Leyte lalo’t ang Philippine Fault sa lalawigan ay hindi kailanman umuga sa loob ng mahigit 100 taon.