Naging matagumpay naman ang isinagawang dry run ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa exclusive lane para sa mga delegado ng APEC Summit sa EDSA.
Ito’y sa kabila ng pagkainis ng maraming motorista dahil nagdulot ito ng masikip na daloy ng trapiko.
Ayon kay Cris Saruca, Traffic Discipline Officer ng MMDA, isa lamang patunay ang ginawang dry run na kayang mapabilis ang biyahe ng mga delegadong gagamit ng nasabing daan.
Tanging si Russian President Vladimir Putin ang manunuluyan sa Shangri-La Plaza Hotel sa Shaw Boulevard, habang karamihan naman ay manunuluyan sa Makati Business District.
Bagama’t walang isinarang kalsada, inilagay naman ng MMDA ang mga plastic barriers na magsasabing iyon ang expess lane para sa APEC delegates.
By Jaymark Dagala