Inihayag ng OCTA Research Team na epektibo man ang booster dose na itinuturok sa isang indibidwal ay maari itong humina pagkatapos ng tatlo hanggang anim na buwan.
Sa naging panayam ng DWIZ kay OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David, sakaling humina ang booster, kailangan na muling magpaturok ng pangalawang booster dose upang mapanatiling malakas ang Immune system laban sa mga bagong variant ng COVID-19.
Sinabi ni David na wala pamang naitatalang bagong variant ng Omicron sa Pilipinas, hindi parin dapat magpakampante at kailangan parin ng mas mahigpit na pag-iingat dahil hindi parin natatapos ang mutations ng nasabing virus. — sa panulat ni Angelica Doctolero