Nakabitin parin ang desisyon ng commission on election (COMELEC) kaugnay sa mahigit dalawampung petisyon makaraang humiling ng exemption sa batas ang mga ahensya at lokal na pamahalaan para ipagbawal ang paggastos sa mga proyekto ngayong panahon ng eleksiyon.
Ayon sa Commissioner George Garcia, nasa 20 petisyon pa ang kanilang diringgin kung papayagan o hindi sa pagsasagawa ng mga proyekto sa kanilang lugar.
Nabatid na kabilang sa mga proyektong pinayagan ng COMELEC na magamit ang kanilang pondo ay ang Office of the Vice-President (OVP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro.
Samantala, hindi naman pinagbigyan ang petisyon na magamit ang pondo sa kanilang proyekto ang pamahalaaang lalawigan ng Nueva Ecija, Bohol at Cebu habang partially granted ang petisyon ng Quezon City, Santa Rosa, Laguna at pamahalaang panlalawigan ng Palawan.
Umaasa naman si Garcia na agad matutugunan ng kanilang ahensya ang iba pang nakabinbin na mga petisyon sa susunod na linggo. – sa panulat ni Angelica Doctolero