Kasado na ang heat stroke break para sa mga tauhan ng MMDA na nasa labas partikular ang mga nagmamando sa trapiko.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes , nag isyu na siya ng direktiba na maaaring magpahinga ang kanilang enforcers ng hanggang tatlumpung minuto kung naiinitan ito ng sobra sa panahon habang nagta trabaho.
Sinabi ni Artes na malaking bagay ang heat stroke break para makaiwas sa mga sakit ang kaniyang mga empleyado sa labas.
Wala naman aniyang dapat ipag alala ang publiko sa heat stroke break ng MMDA enforcers dahil shifting naman o nagpapalitan naman ng duty ang mga ito.
Magsisimula ang heat stroke break ng mga enforcers ng MMDA sa April 1 hanggang May 31.