Ipinatitigil ng mga otoridad ang iniaalok na baby gender selection services ng isang ospital sa siyudad ng Chongqing sa China.
Batay sa ulat, inilunsad ng Edward Hospital, isang private facility sa lungsod, ang fetus customisation service, kung saan sinasabi nito na maaari nilang matulungan ang mga tao sa nais nilang gender ng kanilang magiging anak.
Nag-aalok umano ng tatlong package ang naturang ospital na may katumbas na iba’t ibang presyo, kung saan ang “LST Baby Tailor-Making” ang pinakamahal.
Ipinagbabawal sa China ang gender identification sa mga health institutions maliban na lamang kung mayroong medikal na dahilan.