Gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan upang walang COVID-19 vaccines na masayang na malapit nang ma-expire.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, nagsasagawa ng wall to wall inventory ang DOH sa mga warehouse ng bakuna, upang malaman ang aktwal na numero ng mga ito.
Habang nakikipag-ugnayan na rin ang Pilipinas sa iba pang bansa upang magbigay donasyon ng mga bakuna.
Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ekstensyon ng shelf life ng ilang COVID-19 vaccines. – sa panulat ni Abby Malanday