Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 411 bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, kabuuan nang 3,676,230 ang kaso sa bansa.
Nasa 44,149 ang aktibong kaso o yung mga nagpapagaling.
Samantala, sumampa naman sa 3,573,250 ang mga gumaling, at 58,831 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.
Nasa 24.64% ng ICU beds sa buong bansa ang okupado na. -sa panulat ni Abby Malanday