Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 ang kahandaan, kasabay ng pag-arangkada ng libreng sakay sa lunes para sa publiko.
Magaganap ito mula Marso 28 hanggang Abril 30.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MRT-3 General Manager Mike Capati, na mula sa 3-car train na tumatakbo sa linya, magiging 4-car train na ito simula sa Lunes.
Kayang magsakay ang 4-car train ng hanggang 1,576 na pasahero, mas malaki sa dati na nasa 1,080.
Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Capati ang magiging paraan ng pagsakay sa mga tren, ngayong may libreng sakay. – sa panulat ni Abby Malanday