Ipinahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon na nangunguna na ang marijuana sa bilang numero unong droga sa bansa “both on the demand and supply side”.
Nabatid na sa kabuuan ay mahigit labing isang tonelada ng marijuana ang nakumpiska noong 2021.
Isa rin umano sa mga dahilan kung bakit marami ang pinipiling magtanim ng marijuana kumpara sa mga legal na pananim ay ang kakulangan sa ikabubuhay.
Samantala binigyang-diin naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na sa kabila nito ay nananatili paring nakababahala ang shabu dahil matinding epekto nito sa isip at buhay ng mga gumagamit. – sa panulat ni Mara Valle