Nakauwi na sa Pilipinas ang 142 pilipino mula sa Ho Chi Minh City (HCMC) sa Vietnam.
Sa pamamagitan ito ng chartered sweeper flight nitong March 24 sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Embahada ng Pilipinas sa Hanoi.
Ayon sa embahada, kabilang sa na-repatriate ang ilang distressed filipinos na nawalan ng trabaho at ilang naka-tourist visa na hindi pa nakaalis ng Vietnam, bago ang itinakdang automatic extension ng Immigration department noong January 15.
52 sa mga ito ay dinaanan ng sweeper flight mula Bangkok sa Thailand bago lumapag sa HCMC.
Libre naman ang pagsailalim sa rt-pcr tests na sinagot din ng embahada. —sa panulat ni Abby Malanday