Pinayuhan ng Department of the Interior & Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay kasabay ng pagdaraos ng kampanya sa darating na 2022 elections.
Ayon kay DILG Barangay Affairs Undersecretary Martin Diño, dapat maging ‘apolitical’ ang mga ito o walang pinapanigang kandidato.
Ilang halimbawa rito ang hindi maaaring paggamit sa pasilidad ng barangay katulad ng barangay hall, covered court pati mga sasakyan.
Pero kung sakaling gagamitin ang covered court, dapat bayaran ng mga campaign rally organizers ang kuryente.
Hindi naman dapat gawing marshals ang mga barangay tanod sa panahon ng kampanya. —sa panulat ni Abby Malanday