Usap-usapan ngayon sa social media ang sizzling hot photo ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Ito ay matapos ibahagi ni Kathryn sa Instagram ang kaniyang daring pictures para sa cover ng isang sikat na magazine kasabay ang kaniyang 26th birthday.
Suot ang iba’t ibang kulay ng bikinis at beach outfits, hindi na napigilan ng ilang netizen at kasama sa showbiz industry na tawagin siyang ‘hot’, ‘gorgeous’, at ‘beautiful’.
Say ni Kathryn, ngayong 26 years old na siya, mas natutunan niyang mahalin ang kaniyang katawan at kaniyang sarili na bahagi na rin ng kaniyang self-love journey.
Samantala, nagpasalamat naman ng aktres sa mga taong tumulong, nagmamamahal at mga sumusuporta sa kaniya. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles