Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang mobile service na layong tugunan ang pangangailangan ng Filipino workers sa Al Khobar at iba pang mga lugar sa Eastern Region ng Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Attaché Hector Cruz Jr., ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Al Khobar, pinahintulutan ng mga otoridad ang operasyon ng POLO-on-Wheels na siyang tutugon sa consular, welfare, at documentary needs ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa rehiyon.
Kabilang aniya sa mga serbisyo ng POLO-on-Wheels ang paglipat ng trabaho, repatriation at assistance sa mga OFW’s na may problema sa kanilang trabaho o employer.
Tinatayang nasa 220,000 hanggang 230,000 na mga Pilipino ang nananatili sa Eastern Region ng Saudi Arabia.