Bumuhos ang pagbati para kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng kaniyang ika-77 kaarawan ngayong araw.
Mula ito sa alyansa ng Pangulo kung saan karamihan ang ninanais ang mabuting kalusugan at kapayapaan para sa Pangulo.
Ayon kay speaker Lord Allan Velasco, isang karangalan ang maging kaalyansa at kaibigan ni Pangulong Duterte.
Habang sa ngalan din ng buong hanay ng Kamara at mga Pilipino, malaki ang pasasalamat ni Velasco sa Pangulo dahil sa nagawa nito sa bansa na malaking tulong sa susunod na henerasyon.
Maliban kay Velasco, nagpaabot din ng pagbati sa Pangulo si house majority leader Martin Romualdez at ang Department of Transportation (DOTR) dahil sa malaking nagawa ng Pangulo sa bansa.
Gaganapin ang simpleng selebrasyon ng kaarawan ng Pangulo sa Davao City.—sa panulat ni Abby Malanday