Umapela ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa gobyerno na ipatupad na ang tunay na Repormang Agraryo sa kanayunan kasabay ng pagbatikos sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng Department of Agrarian Reform.
Ito’y dahil nabigo umano ang nasabing programa upang bigyan ng lupa ang mga magsasaka.
Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos, naninindigan ang mga magsasaka na nabigo ang CARP na programa ng DAR para sa pamamahagi ng lupa dahil hindi naman napasakamay ng mga magsasaka ang kanilang mga lupa.
Halimbawa anya nito ang patuloy na pagmamay-ari ng malalaking lupain ng mga landlord at korporasyon.
Kabilang sa tinukoy ng KMP ang pagkabigo ng reporma sa lupa sa Southern Tagalog region at sa Hacienda Luisita sa Tarlac.