Nanindigan ang China sa umano’y soberanya nito sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc matapos ang malapitang paglalayag ng isang Philippine at Chinese Coast guard vessels sa pinag-aagawang teritoryo.
Una nang iniulat ng PCG ang insidente ng “close distance maneuvering” ng isang chinese vessel habang nagpa-patrol ang BRP Malabrigo sa bahagi ng naturang karagatan noong March 2.
Iginiit ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Tsina ang Huangyan Dao at karagatang nakapaligid dito.
Tila sinisi pa ni wang ang PCG sa paglapit umano nito sa Chinese Coast Guard.
Inihayag naman ni PCG commandant Artemio Abu na ang nasabing insidente ang ika-apat na beses na nagkaroon sila ng close encounter sa Chinese Coast Guard sa Scarborough.