Bistado ng Comelec ang pasimpleng pagbili ng mga kandidato ng boto para sa paparating na eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na idinadaan ng ilang kandidato sa social media ang pamimili ng boto sa pamamagitan mga ng pa-raffle at pamimigay ng premyo basta tumutok lamang sa kanilang mga pages.
Dagdag pa ni Garcia, bukod sa pa-raffle ay idinadaan pera sa GCash at PayMaya o kaya naman ay Card money para hindi mahalata ang pamimili ng boto ng ilang kandidato.
Samantala, hinimok din ng opisyal na bantayan ng mga kandidato ang kanilang mga kalaban sa maaaring paglabag sa batas panghalalan at isumbong ang mga ito sa kanilang tanggapan. —sa panulat ni Mara Valle