Matagumpay na nakamit ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang isang bagong milestone matapos nakapagrehistro ang mahigit 60M Pilipino para sa Step 2 registration ng Philippine Identification System (PhilSys).
Nabatid na noong Marso 16 ay umabot sa 60, 483, 095 ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nakasama sa PhilSys step 2 Registration.
Ang naturang step ay kinabibilangan ng pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprints, Iris, at mga litratong nakaharap sa harapan sa mga Registration center.
Samantala, umaasa si National Statistician at Civil Registrar General PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, na mas marami pang Pilipino ang makakapagrehistro sa PhilSys dahil sa mga pagsasaayos na ginawa sa community restrictions. —sa panulat ni Mara Valle