Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na inilikas mula sa kani-kanilang mga kabahayan kasunod ng muling pag-aalboroto ng bulkang Taal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Kelvin John Reyes, Public Infrormation Officer ng Office of Civil Defense-Calabarzon, ang mga evacuee ay mula sa apat na bayan, kabilang ang Laurel at Agoncillo.
Batay aniya sa kanilang datos, mahigit 1,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers, at mahigit 200 pamilya ang mga nananatili sa kanilang mga kamag-anak.
Tiniyak naman ni Reyes na may nakahanda silang pagkain at malinis na tubig para sa mga evacuee.