Patay ang isang bagitong pulis matapos na mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at sumemplang sa Anda Circle sa Port Area, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Patrolman John Rudolf Cruz, 24-anyos na nakatalaga sa Aviation Security Group.
Sa ulat ng Manila Police District-traffic enforcement unit pagsemplang ay tumalsik ng ilang Metro si Cruz hanggang sa humampas ang ulo sa center island ng Anda Circle.
Agad naman siyang sinaklolohan ng mga tauhan ng Philippine Red Cross at dinala sa ospital ng Maynila, ngunit hindi na rin naisalba ang kaniyang buhay.