Nagpasalamat ang isang grupo na tumutulong sa mga magsasaka at mangingisda sa gobyerno dahil sa ibinigay na subsidiya para mabawasan ang epekto ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa tugon kabuhayan, hindi lamang ang transport sector ng napuruhan sa epektong ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina kundi pati na rin sa mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng langis sa pag-transporta ng kanilang produkto.
Ayon kay Asis Perez, convenor ng grupo, malaking bagay ang P500-M na subsidiyang ibinigay ng gobyerno sa Department of Agriculture para sa fuel discount ng mga benepisyaryo.
Gayunman, iginiit ni Philippine Maize Federation Inc. president Roger Navarro na hindi lahat ng mga magsasaka ng mais ay nakatanggap ng subsidiya dahil maliit na bilang lamang ang natatanggap ng mga ito na tulong mula sa inilaang pondo ng gobyerno.