Pinaiimbestigahan nang Police Regional Office Cordillera sa Abra Provincial Police Office ang nangyaring engkwentro sa Brgy. Poblacion, bayan ng Pilar, lalawigan ng Abra.
Ito’y kasunod ng nagviral video sa social media kung saan, sinasabing inambush umano ng mga unipormadong lalaki ang sasakyan ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Disono kaninang umaga.
Ayon kay Cordillera Police Regional Director, P/BGen. Ronald Lee, mali ang mga kumakalat na balitang inambush ang sasakyan ni Dinoso dahil ang totoo aniya’y lumusot ito sa inilatag na Checkpoint ng Pulisya.
Sa katunayan, binangga pa ng sasakyan ni Disono ang sasakyan ng Regional Mobile Force Battalion 15 na siyang tumatao sa checkpoint .
Dahil dito, nagkaroon ng habulan at palitan ng putok sa pagitan ng mga Pulis at ng mga pinaniniwalaang tauhan ni Disono na humarurot patungo sa bahay ng Bise Alkalde. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)