Nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungang makauwi sa Pilipinas ang mga overseas filipino workers sa Shanghai, China, sa gitna ng ipinatutupad na lockdown doon bunsod ng covid-19 surge.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, nakikipagtulungan na sila sa konsulado sa Shanghai sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong.
Sa ngayon aniya wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa mga pinoy na nagpositibo sa covid-19 sa Shanghai.
Sinabi pa ni Cacdac na ilang Filipino musicians doon ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa pinaiiral na lockdowns.
Tiniyak naman ng OWWA na tutulungan nila ang mga apektadong OFWs.