Padami ng padami ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan lalo na ngayong nasa Alert level 1 na ang mas maraming lugar sa bansa at habang papalapit ang Semana Santa,
Ayon kay Philippine Port Authority (PPA) Gen-Man. Daniel Jay Santiago, mas marami na ang mga mananakay ngayon sa mga pantalan, bagama’t hindi pa rin ito umaabot sa lebel ng pre-pandemic.
Pero kapansin pansin aniya ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biyaherong sumasakay sa mga sasakyang pandagat ng bansa.
Tiniyak naman nito na sapat pa rin ang mga barko na maaring masakyan ng publiko partikular na sa North Harbor, sa Maynila.
Sinabi pa ni Santiago na wala silang natanggap na ulat na may mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan, dahil maganda naman ang lagay ng panahon at tuluy-tuloy ang regular na pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat.