Aabot na sa 1,539 na pamilya o katumbas ng 5,688 na indibidwal ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal sa 17 bayan sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula kahapon, Marso a-29.
Ayon sa NDRRMC, mula sa nabanggit na bilang ay nasa 1,142 na pamilya o 3,771 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 17 evacuation centers.
Patuloy ang naitatalang mga aktibidad ng PHIVOLCS sa bulkang Taal kaya’t pinapayuhan ng NDRRMC ang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat at sunding lagi ang mga abiso mula sa awtoridad. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)