Nagbabala tungkol sa mga pekeng job hiring sa social media ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ayon sa ahensiya, isang post ang pumukaw ng atensiyon sa social media kung saan naghahanap umano ng 450 Filipino Teachers na ipapadala sa Taiwan.
Marami ang naging interesado sa nasabing post dahil sa sahod na P115-K umano kada buwan, kalaunan ay nabatid ng POEA na wala sa kanilng ang pangalan ng mga naturang recruiter at employer.
Samantala, pinaalalahanan ng ahensya ang mga pinoy na maging maingat sa mga nagaalok ng pekeng trabaho. — sa panulat ni Mara Valle