Patay ang isang Environmental officer matapos na paulanan ng bala sa Hilongos, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Jenifer Mendoza, 49- anyos.
Ayon sa mga otoridad, papunta sa kanyang bukid si Mendoza sakay ng motorsiklo nang pagbaba nito ay pagbababarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Tinamaan si Mendoza ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na siyang rason kung bakit binawian din agad ito ng buhay.
Samantala, iniimbestigahan na ng pulisya ang pamamaril sa tulong ng CCTV footage sa nasabing lugar. — sa panulat ni Mara Valle