Apatnaput walong (48) online posts na may kinalaman sa hindi otorisadong pagbebenta ng gamot na Molnupiravir ang tinanggal ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa Talk to the People kagabi, sinabi ni FDA Officer in Charge Dr. Oscar Gutierrez na siyam na brands ng Molnupiravir ang ibinebenta online tulad ng Molnarz, Movfor, Moluzen, Molenzanir, Molmed, Mpirarvir, Zero Vir, Molnuvid, at Movir.
Sa ilalim ng FDA Act of 2009 (RA 9711), ipinagbabawal ang importasyon, distribusyon, exportation, pagbebenta o pag-aalok para sa pagbebenta ng health products nang walang pahintulot ng ahensya.