Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng apat na volcanic tremors sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng dalawa hanggang limang minuto.
Nagbuga rin ang bulkan ng 4,474 tonelada ng sulfur dioxide.
Umaabot sa 1,500 metro ang taas ng plume na inilabas ng bulkan.
Nagbabala naman ang phivolcs sa posibleng panganib ng pyroclastic density currents, volcanic tsunami, ashfall at lethal volcanic gas.