Umarangkada na ang “Libreng Sakay” o free shuttle service para sa mga pasahero ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) mula Edsa Station hanggang Manila Bay Aseana ngayong araw hanggang Abril a-17.
Ito ay sa pamamagitan ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) Mini-Bus kung saan ang naturang shuttle ay air-conditioned, zero emission at kayang makapag-accomodate ng 30 pasahero kada biyahe.
Samantala, papalawigin hanggang sa Makati Central Business District sa ikalawang yugto ng naturang service ito ay at iaalok sa mga LRT 1 Riders’ Club Members. —sa panulat ni Airiam Sancho