Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang kakalampagin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pangongolekta ng buwis sa online sabong.
Ito’y makaraang magtaka si Duterte kung bakit hindi parin sinisingil ng BIR ang P640-M na buwis ng online sabong kada buwan.
Sinabi ng punong ehekutibo na milyun-milyon ang kinikita ng gobyerno sa industriya ng e-sabong na dalawang taon nang nag-o-operate sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na hindi niya ihihinto ang E-sabong sa Pilipinas dahil kailangan ng bansa ang malaking halaga ng pera bilang tugon sa COVID-19 response.
Matatandaang sa naging pahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi niyang pinag-aaralan na sa senado ang mungkahing ilipat na lamang sa kongreso ang pagbibigay ng permit para sa E-sabong na kasalukuyan, pinangangasiwaan ng PAGCOR. —sa panulat ni Angelica Doctolero