Pabor si Dr. Rontgene Solante, infectious diseases specialist at miyembro ng vaccine expert panel, sa pagpapatupad ng ‘no booster, no work’ sa mga manggagawa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni solante na isa ito sa magandang estratehiya upang mapataas ang coverage ng booster shot sa bansa.
Paliwanag pa nito, humihina ang immunity ng bakuna kaya’t kung hindi magkakaroon ng karagdagang proteksyon ay posibleng magkaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.