Hinimok ng kamara na ipresinta ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Pilipinas bilang “alternate hub” para sa mga finance companies.
Ito’y matapos umalis ang mga Foreign financing firm sa Hong Kong dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon ng pandemya.
Tinukoy ng kamara ang ilang lugar tulad ng BGC Taguig, Clark, Makati, Quezon City at Metro Cebu na pwedeng gawing “alternative finance hub” ng bansa.
Naniniwala naman ang mga kongresista na isa itong “golden opportunity” upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagrekober ng ekonomiya at long term growth. —sa panulat ni Airiam Sancho