Bumaba ang mga naitatalang kaso ng sunog ngayong taon kumpara nuong isang taon kasabay ng pagtatapos ng Fire Prevention Month.
Batay sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), mula Marso a-1 hanggang a-30, aabot sa 811 ang naitala nilang mga kaso ng sunog.
Mas mababa ito ng 35 porsyento kumpara sa 1,245 na mga kaso ng sunog na naitala nila sa kaparehong panahon nuong 2021.
Gayunman, patuloy ang pagpapaalala ng BFP sa publiko na Fire Prevention Month man o hindi, kailangan pa ring mag-ingat.
Ugaliing hugutin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit at iwasan ang octopus connection upang hindi ito pagmulan ng sunog. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)