Mananatili sa alert level 1 ang malaking bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region (NCR) hanggang Abril 15.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang alert level classification sa mga lalawigan, highly urbanized at independent component cities.
Bukod sa NCR, kabilang din sa mga isinailalim sa alert level 1 ang Abra, Apayao; Ilocos Norte, Dagupan City; Batanes, Cagayan, Isabela; Aurora, Bataan, Zambales, Olongapo City;
Cavite, Laguna, Rizal; Oriental Mindoro, Marinduque; Albay, Catanduanes; Aklan, Guimaras; Siquijor, Cebu City, Biliran, Ormoc City; Zamboanga City; Camiguin, Bukidnon; Davao City; Surigao Del Sur, Surigao City at Butuan City.
Sa ilalim ng alert level 1, pinapayagan na ang lahat ng edad at may comorbidities sa intrazonal at interzonal travel.
Ang lahat ng mamamayan o establisyimento ay pinapayagan na ring mag-operate, magtrabaho o magsagawa ng buong on-site activity at seating capacity kung na-aayon sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko.