Exempted sa election-related spending ban ng Commission on Elections (COMELEC) ang COVID-19 immunization program ng pamahalaan.
Alinsunod ito sa hiling ng Department of Health (DOH) na pinagbigyan naman ng COMELEC.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, pinagbigyan din ng poll body ang petisyong inihain ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nasa 20 pa anyang mga petisyon ang kanilang tatalakayin sa susunod na lingo.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution 10747, kailangan ang isang certificate of exemption upang patuloy na maipatupad ang programa at proyekto para sa kapakanan ng mga pilipino habang pinaiiral ang public spending ban mula March 25 hanggang may 8, 2022.
Magugunitang pinayagan ng COMELEC na ma-exempt sa spending ban ang COVID-19 initiatives ng Office of the Vice President.