Nagbabala ang German government sa posibleng kakulangan ng natural gas dahil parin sa patuloy na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Germany Federal Minister for Economic Affairs and Climate Action Robert Habeck, ang early warning ay kasunod ng naging babala ng Russia na kanilang puputulin ang suplay ng gas sa ibang mga bansa kung hindi ililipat sa Russian rubles money ang payment ng mga bansang kanilang sinusuplayan ng gas.
Sinabi ni Habeck na sa ngayon ay may sapat pa na suplay ang kanilang bansa.
Dahil dito, hinimok ang lahat ng mga consumers sa buong Europe’s biggest economy na magtipid at bawasan ang pag-gamit nito.
Nabatid na ang European Union ay nakadepende sa Russia sa halos 40% ng kanilang natural gas, kung saan ang Germany ay ang pinakamalaking energy customer ng Moscow sa continent. —sa panulat ni Angelica Doctolero