Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais makipag-usap sa kanya ni Chinese President Xi Jinping.
Sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City, Cebu, inihayag ni Pangulong Duterte na nakatakda silang mag-usap ni Xi sa susunod na Biyernes, Abril a–8.
Gayunman, hindi idinetalye ng punong ehekutibo kung sa telopono o face-to-face meeting ang magaganap sa pagitan nila ng presidente ng Tsina.
Wala ring ibinigay si Pangulong Duterte na detalye kung ano ang tatalakayin nila ni Xi.
Agosto taong 2019 pa ang huling biyahe ni Duterte sa China kung saan kanyang binuksan ang issue ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal noong 2016 hinggil sa maritime claims nito sa South China Sea.
Pero maka-ilang ulit binaliwala ng China ang nasabing tagumpay ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands.