Matapos bahagyang magluwag ang alert status sa ilang lugar sa bansa ay lumolobo ang bilang ng mga lumalabag sa community health protocols gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, naging kampante ang mamamayan dahil nasa alert level 1 na ang karamihan sa mga lugar kaya ito ang kanilang mahigpit na tinututukan ngayon.
Nabatid na bumaba naman ang pagtitipon-tipon o mass gathering sa mga lugar na nasa alert level 2.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang tiyakin na maayos pa ring naipatutupad ang basic health protocols dahil hindi pa nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa. – sa panulat ni Mara Valle