Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Timog-Silangang bahagi ng Loyalty Islands.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), may lalim itong 10 kilometro o 6.21 miles.
Ito na ang ikatlong pagyanig na tumama sa rehiyon na mahigit sa magnitude 6.8 simula nitong Huwebes.
Wala namang banta ng tsunami kasunod ng naganap na lindol.