Posibleng ungkatin pa rin ng Estados Unidos ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Ayon kay Mark Toner, Spokesman ng US State Department kung wala man ito sa formal agenda ng APEC Summit, maaari itong maungkat sa sidelines o sa labas ng pormal na pulong.
Una nang nagkasundo ang Pilipinas at ang China na huwag nang isulong na mapag-usapan sa APEC Summit ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
By Len Aguirre